top of page

PACKING LIST:

 

  • Ang PACKING LIST po ay ginagamit sa CUSTOM CLEARANCE. Hindi po namin maaayos ang clearance ng box sa custom kung wala po ang packing list. Kailangan po na KUMPLETO at TAMA ang lahat ng nakasulat na nilalaman ng kahon para maiwasan ang anumang DELAY sa bagahe. MAHIGPIT NA IPINAGBABAWAL ang pagsusulat ng anumang bagay sa packing list na wala po sa loob ng inyong kahon, may kaukulang PENALTY para dito.

 

  • DAHIL PO SA KAGUSTUHAN NAMING MAGING MAAYOS AT MAPADALI ANG SISTEMA SA PAGPAPADALA NG MGA BAGAHE; LAHAT PO NG WALA, KULANG ANG DEKLARASYON AT MAY MALI SA PACKING LIST AY MAIIWAN PO PANSAMANTALA SA WAREHOUSE JAPAN HANGGAT HINDI PA PO NAIBIBIGAY SA AMIN ANG TAMA. KAMI PO AY KAAGAD NA TATAWAG AT MAGBIBIGAY NG ABISO SA INYO KUNG MAY PROBLEMA SA PACKING LIST NA IPINADALA.

 

IMPORTANTE NA KUMPLETO ANG MGA SUMUSUNOD:

 

  1. PANGALAN NG SENDER (JAPAN), ADDRESS, POSTAL CODE AT NUMERO NG TELEPONO.

  2. PANGALAN NG CONSIGNEE (PILIPINAS), ADDRESS AT NUMERO NG TELEPONO.

  3. BILANG AT HALAGA NG ITEM AT SUKAT NG TV SA INCHES.

  4. BILOG SA MODEL NAME NG GAME NA IPAPADALA.

  5. COMPANY NAME, MODEL NAME, AT MODEL NO. NG COMPUTER AT NINTENDO WII.

 

(ex: Sony (maker) / Vaio (model name) / pcg-153l ( model no.)

 

  1. PAKISULAT PO SA IBABA ANG MGA BAGAY NA WALA SA LISTAHAN GAMIT ANG MALAKING TITIK AT WIKANG ENGLISH. PAKILAGYAN NG 2 GUHIT SA GITNA NG MALING NAISULAT AT PIRMAHAN SA GILID.

  2. KABUUANG HALAGA NG PINADALA.

  3. LAGDA NG NAGPADALA (SENDER) (hindi maipapadala sa Pilipinas ang bagahe kung wala pong pirma)

*****IMPORTANTE NA ITAGO PO ANG KOPYA NG PACKING LIST AT RESIBO NG SAGAWA LALO NA SA MGA MAGPAPADALA NG COMPUTER AT NINTENDO WII. HINDI PO KASI MAIWASAN NA MINSAN NAHUHULOG AT NAWAWALA ANG PACKING LIST SA PAG PICK-UP NG BAGAHE.

 

*****PAKI-KUMPLETO PO ANG CERTIFICATE OF PURPOSE OF USE NA NAKALAKIP SA INYONG PACKING LIST KUNG MAGPAPADALA NG COMPUTER O NINTENDO WII. PAKIBALIK PO ITO KASAMA NG PACKING LIST.

 

 

BANNED ITEMS:

  • Ang mga sumusunod po na mga bagay/gamit ay BAWAL IPADALA sa kahon. Magiging sanhi po ng pagkadelay ng inyong bagahe dito sa Japan kung mapapatunayan na ito ay naglalaman ng kahit isa (1) man sa mga bagay o gamit na nakatala sa ibaba. Ang BAYAD SA DELIVERY sa pagbabalik po ng bawal na bagay/gamit o ng kabuuang kahon ay hindi po sagutin ng aming kumpanya.

 

MGA BAWAL IPADALA:

 

  1. Mga pagkaing NABUBULOK katulad ng GULAY at PRUTAS

  2. MOTORSIKLO at PARTE nito

  3. SASAKYAN at PARTE nito / ENGINE / BATTERY / GENERATOR

  4. KEMIKAL NA NAKAKALASON : PINTURA / FERTILIZER / SOIL

  5. ANUMANG URI NG GAMOT / GLUTATHIONE

  6. PIRATED CD, DVD at GAME SOFTWARE

  7. FLAMMABLE MATERIAL (ex: GAS, PAPUTOK, GAS BOMBE, LIGHTER, ETC.)

  8. BARIL AND LARUANG BARIL

  9. MAHALAGANG GAMIT TULAD NG ALAHAS AT PERA.

  10. MGA GAMIT NA NAKAMAMATAY / MATUTULIS NA BAGAY (ex: SAMURAI)

  11. WELDING MACHINE / AIR COMPRESSOR / WATER PUMP / SLOT MACHINE

  12. DROGA AT MALALASWANG BABASAHIN AT PANOORIN.

 

PAALALA: Ang BIGAS ay hindi pa po pinahihintulutan na maipadala sa Pilipinas. May mga dokumento pa po kaming inaayos para dito. Mag-aabisu po kami kaagad kung pwede na pong magpadala.

 

 

TAMANG PAGBABAGAHE:

 

  • Ang lahat po ng ipapadala ay para sa PERSONAL NA GAMIT LAMANG.

  • Bawal po ang mga bagay na pang-BENTA at mga bagay na nakalista sa BANNED ITEMS.

  • Tumatanggap po kami ng babasagin pero wala po kaming pananagutan kung magkaroon ng basag sa padalang gamit. Paki-ayos po ang pagbabalot ng mga babasagin.

  • Lahat po ng mga LIQUID na ipapadala ay pakisiguradong selyado para maiwasang matapon sa loob ng kahon na magiging sanhi ng pagkasira at pagkabutas ng kahon.

  • BAWAL ang anumang UMBOK sa bagahe dahil magiging sanhi ito ng PAGPUTOK NG KAHON at pagkakaroon ng BUTAS.

  • Maaaring maglagay ng tela o dyaryo o anumang pampasikip upang hindi umalog ang mga bagay na nasa loob ng kahon.

  • Siguraduhing matibay ang packing tape na gagamitin, at kung maaaring palibutan ng tape ang bawat sulok ng kahon.

  • May mga lugar po na may kaukulang limitasyon ang timbang ng bagahe at may karagdagang bayad sa sosobra sa limitasyon (pls see rates).

  • Tumatanggap po kami ng mga odd-sized or over-sized items ngunit ito ay dapat itawag muna sa aming opisina upang mai-quote ng maayos.

 

 

BAYAD AT WAREHOUSE:

 

  • Lahat po ng WALA, KULANG AT HULI ANG PAGBABAYAD ay magiging ON-HOLD ang bagahe at madedelay ang delivery sa Consignee sa Pilipinas. Paki-bayaran po kaagad matapos ang pick-up.

  • LIBRE po ng (1) BUWAN ang pananatili ng inyong bagahe sa warehouse, simula sa pagdating sa Pilipinas. Pagkalipas ng isa (1) buwan ay may karagdagang 2000 yen na sa KADA BUWAN na ilalagi pa ng bagahe sa aming warehouse.

  • Lahat po ng WALANG BAYAD sa loob ng tatlong (3) BUWAN ay mapo-FORFEIT kahit wala pong abiso na manggagaling sa aming kumpanya.

  

Tamang Pagbabagahe

 

cheap balikbayan box japan, Balikbayan box in Japan to Phillipines

contact us

For inquiries, please feel free to contact us.

Your details were sent successfully!

Areas We Cover

Order from anywhere in the world, We deliver to anywhere in the Philippines.

ASIA

​

AFRICA

​

AUSTRALIA

​

NORTH AMERICA

SOUTH AMERICA
​
EUROPE
​

​

 

  • w-facebook
  • Twitter Clean
  • Tumblr Metallic

Copyright.©  2015 G4 Express Services. All Rights Reserved.

bottom of page